Paaralang Naiiba at Walang kapantay ni:Rodel G. Abellanosa
Paaralang Naiiba at Walang Kapantay
Ni: Rodel G. Abellanosa
Maraming magagandang bagay ang makikita at makakamit mo pagpumasok ka sa MSU-IIT...
gaya ko na nakapasuk sa paaralang ito noong November 2009. At sa dalawang taon kong pag-aaral sa MSU-IIT ay marami akong natuklasan at natutuhan. Ang ilan sa mga natuklasan ko ay ibabahagi ko sa inyo para malaman nyo at magustuhan nyo ang paaralan na pinapasukan ko. Una sa lahat pagpasuk mo sa paaralang ito ay maninibago ka talaga kasi malawak ang lugar na nasasakupan nito pero masasanay ka din kalaunan.marami kang makakasalamuhang mga mag-aaral ditto,at di magtatagal ay magkakaroon ka ng mga kaibigan,tulad ko na maraming kaibigan at sa dami ng mga kaibigan ko halos di ko na sila mabilang. Sila ang mahihingan mo ng tulong pag may mga aralin kang di naintindihan at makakasama mong magreview ng mga aralin mo pag malapit na ang exam. Sila din ang magiging katuwang mo sa mga panahong yong kagipitan at kalungkutan. Masaya din ako dahil sa paaralang ito maraming butihing guro,na tumutulong para punan ang kaalaman ng mga mag-aaral.pwede mo ding maging kaibigan o pangalawang magulang na laging andyan at laging umiintindi.tinuturo nila ang lahat ng kanilang nalalaman para mabigyan ng magandang edukasyon ang mga mag-aaral,pinapaintidi talaga nila ang bawat leksyon na tini take-up,hanggat hindi nakakaintindi ang lahat hindi nag-iiba ng topic. Patas din sila kung maggbigay ng marka,kung anong ibinigay mo ay yon din ang makukuha mong marka. Kung karapatdapat kang ipasa ay makakapasa ka talaga. Ako my kaibigan akong guro sa paaralan na kinabibilangan ko. Siya ay si Sir.Pagdato ng English Department, sya ay nagging guro ko sa subject na Humanities noong unang semester ko sa MSU-IIT. Magpahanggang ngayon di parin nya nakakalimutan yung pangalan ko at paghindi ko sya napansin tinatawag talaga ako. Hanggang ngayon kaibigan parin kami. Nagging maayos ang dalawa kong taon dito sa paaralang ito at mag-papasalamat ako sa aking kapatid na dito nya ako pinag-aral.
Pagmahilig ka sa sayaw
maraming mga grupo ang makikita mo sa paaralang ito katulad ng Dance Society na ang mga sinasayaw ay yung mga makabagung sayaw gaya ng hip-hop.pero kong gusto mong sumayaw ng mga etnikong sayaw,pwede kang sumali sa KALIMULAN isang grupo na sumasayaw na mga sayaw na pangkatutubo. Kung gusto nyo naman ng pang theatre na sayaw at drama nariyan ang IPAG o Integrated Performing Arts Guild, isang grupo na nakapagtanghal na sa ibat ibang lugar.di lang sa pilipinas kundi pati sa ibat ibang bahagi ng mundo. Ako sumali ako sa IPAG kasi maganda sya, Kung gusto nyong kumanta pwede meron ding ECHEOS, isang bandang kumakanta sa MSU-IIT. Meron ding grupo na kumakanta na parang sabayang pagbigkas andyan ang OCTAVA. Ang mga grupong to ay nagbibigay din ng scholarship sa mga interisadong sumali. Tumutulong ag mga grupong yang para mahasa ang kakayahan mong humarap sa maraming tao o yung tinatawag na self-confidence.
Kung ako ang tatanungin
kung ano ang kaibahan ng MSU-IIT sa pribadong paaralan ay maraming kaibahan.para sa akin ay mas maganda ang MSU-IIT hindi lang dahil mababa ang matrikula dito kundi mapupuno talaga ang ulo mo ng mga kaalamang dapat nyong malaman.ang lahat ng nalalaman ng mga guro ay tinuturo talaga nila sa mga mag-aaral nila. Gaya ng sabi ko kanina hinahasa ng mga guro dito ang mga mag-aaral nila para makagawa ng magaling na mga tao. Di tulad ng pribadong paaralan na ang pinapalaki lang ay ang bulsa ng kanilang paaralan hidi kaalaman ng kanilang mga mag-aaral. Sabi ng ate ko may bago daw silang mga kasama sa trabaho ang isa ay galing sa MSU-IIT at ang isa ay sa pribadong paaralan nanggaling. Ayon sa sinabi ng ate ko madali lang daw nilang tinuroan ang galing sa MSU-IIT, isang lingo lng daw natuto na agad samantalang yung nanggaling daw sa pribadong paaralan ay hirap daw silang turoan yun dahil mali-mali parin daw ang ginagawa kaya pinatalsik dahil di daw natuto sa luob ng dalawang buwan. Sa nasubukan ko sa pribadong paaralan na pinanggalingan ko ay ang mga guro doon ay pumapasok lamang pagmalapit na ang exam at ang iba naman ay lagging huli sa klase kaya ang mga mag-aaral ay nag-aaral nalang ng walang tulong ng guro gaya ko dati. At doon sa pribadong paaralan nayon, pag panahon na ng exam ay nagkukupyahan lang ang mga mag aaral, ibang-iba sa pinag-aaralan ko ngayon na ginagawa ang lahat ng paraan para mabigyan ng magandang paraan para matuto ng madali ang mga mag-aaral. Ang mga guro naman ay lagging pumapasuk kaya di nasasayang ang pagpunta sa paaralan kahit malayo at nagbibigay ng dahilan pag walang pasok. Kaya masasabi kong marami ka talagang matutunan at mas Ganado kang pumasok sa paaralan dahil dito at maiingganyo kang mag-aralng mabute dahil di basta basta ang iyung pagdadaanan. Dahil doon magiging isa kang ganap na graduate ng MSU-IIT baling araw na marami kang alam na gawin at malawak ang iyung nalalaman gaya ng ate ko na produkto ng MSU-IIT na nagtapus noong 2009 sa kursong Marketing sa College of Business Administration and Accountancy. Pagkatapos grumadyet ay nakapagtrabaho agad. Ganyan kalakas ang MSU-IIT sa paghahanap ng trabaho.
Subrang proud ako na
nagging mag-aaral ako ng MSU-IIT at sa dalawang taon ko rito ay marami na akong tatutuhan,at mas tumataas ng tumataas pa ito dahil may malayo layo pa ang lalakbayin ko para maabot na ang pinakamimithi ko na makapagtapos. Dito lang sa paaralang ito ang may subjeyk na History 3N na nakasentro sa kasaysayan n gating mga kapatid na muslim at mga katutubong lumads. Ang iba ay takot pumasok sa paaralang ito dahil daw mahirap ang Math dito pero ang masasabi ko lang ay hindi ka gagaling at natututo kung matatakot ka lang at di mo susubukan dahil hindi ka papasa pag di kanag-aaral, at lagging pumasok para di mahuli sa klase. Dahil doon siguradong papasa ka at magiging Masaya ka dahil pinaghirapan mo iyong makuha kaysa sa iba mo lang nakita at kinupya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento